Mahigpit na ang ipinatutupad na seguridad sa loob ng Batasang Pambansa ilang oras bago ang nakatakdang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos.
Sa gate pa lang masusi nang chinicheck ng mga gwardya ang mga pumapasok na sasakyan.
At bago tuluyang makapasok sa loob ng Batasang Pambansa Complex dadaan pa ang mga sasakyan tinatawag na K9 inspection bay.
Nagkalat rin ang mga pulis sa loob ng Batasan.
Habang sa labas naman ng Batasan Complex, may naka standby na mga truck ng Bureau of Fire Protection, BJMP, at ambulance.
Samantala, inaasahang pasado alas tres mamayang hapon, darating si Pangulong Marcos dito sa Batasan.
Una nang sinabi ng Malacañang na ang susuotin nitong Barong ay collaborative work ng mga artisans mula Lucban, Quezon; Taal, Batangas at Aklan.