Lalaki, chinop-chop ang katawan ng live in partner

Nahukay ng mga awtoridad ang chinop-chop na bangkay ng babae na napaulat na nawawala nitong Hunyo 30, 2024 matapos ilahad ng live-in partner ang krimen.

Ayon sa salaysay ng suspek, makailang beses umano nitong sinaksak sa dibdib ang biktima matapos magkaroon ng pagtatalo sa pagitan nilang dalawa.

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Doon na rin chinopchop ng suspek ang katawan ng biktima saka isinilid sa sako bago inilibing sa ilalim ng kanilang barung-barong.

Inilahad din umano ng suspek na may pinatay sila ng biktima na isa pang babae noong Marso 2023 at itinago ang bangkay sa drum bago ito inilibing sa parehong lugar bago isinemento.

Read More:  20-year-old caretaker killed in Cebu robbery case

Samantala, personal na itinuro ng suspek ang naturang lugar kung saan doon na narekober ng mga awtoridad ang mga bangkay.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng Lucena City Police Station ang suspek habang nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad.