Patay ang isang lalaking ex-convict matapos itong pasukin sa loob ng kanyang kwarto at binaril bandang alas 03:00 ng madaling araw ng Huwebes, Agosto 22, 2024 sa Sitio Kahuyan, Alaska Mambaling, Cebu City.
Ang biktima na si Bert, 34-anyos, ay nagtamo ng tama ng bala sa kanyang dibdib at ulo.
Ayon sa tiyuhin ng biktima na si Ed, bandang alas 3:00 ng madaling araw nakarinig umano sya na may pwersahang pumasok sa kwarto ng kanyang pamangkin at sumunod na ang putok ng baril at ng sinilip nya ito sa kanilang bintana, nakita nyang may lalaking dali-daling lumabas mula sa kwarto.
Sinabi nito na naniniwala silang may kinalaman sa illegal drugs ang pagpatay sa kanyang pamangkin dahuil habang pinag-aaral niya ang pamangkin sa kursong criminology ngunit nalulong umano ito sa bisyo.
Isang basyo ng bala ang narekober mula sa crime scene.
Aniya, matapos umanong makalabas noon sa kulungan ang biktima dahil sa illegal drugs, ilang beses na umano nila itong pinayuhan na bumalik na sa matuwid na daan ngunit nagmatigas pa rin.
Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng kapulisan.