Lalaki, binaril matapos agawan ng motorsiklo

NAGTAMO ng tama ng bala ang isang lalaki matapos itong barilin ng hindi pa nakikilalang salarin

Nangyari ang insidente alas-2:30 ng hapon, Hunyo 14 sa Brgy. Gua­dalupe, Cebu City.

Tinamaan ng bala ang kaliwang hita ng biktimang si Agelio Bargamento.

Sa imbestigasyon, habang nagmamaneho ang biktima dinikitan ito ng dalawang lalaking sakay rin ng motorisiklo.

Inagaw ng isa sa mga suspek ang kanyang motorsiklo at binaril.

Patuloy ang hot pursuit operation ng kapulisan laban sa dalawang suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *