LGU Watchman at 2 iba pa, tiklo sa sinalakay na drug den

Sinalakay ng mga taga-PDEA ang isang drug den sa Bais City, Negros Oriental tanghali nitong Biyernes, Hunyo 14.

Sa operasyon, arestado ang drug den maintainer na si Alyas Jordan, 55-anyos na job-order watchman sa City Hall.

Arestado din sina Alyas Chris, 24, at Alyas Ray, 29, mga bisita umano sa drug den.

Tatlong linggong nasa case build up ang suspek at umaabot sa 25 grams ng shabu kada linggo ang nadi-dispose ng suspek.

Nakumpiska ang apat na pakete ng shabu na may bigat na 6 na gramo at market value na P40,000.

Kasong paglabag sa Sections 5, 6, 7, 11, at 12 ng RA9165 ang isasampa laban sa mga suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *