Isang PDL – nakatakas mula sa Iwahig Penal Farm sa Palawan

Pinag-iingat ng Iwahig Prison and Penal Farm ang publiko matapos makatakas ang isang person deprived of PDL.

Kinilala itong si Jaime Calicdan, may kasong murder, at may sentensyang reclusion perpetua.

Sa ulat, kahapon daw nakatakas si Calicdan sa pasilidad.

Huli itong nakitang may suot na blue shirt, at khaki na short.

Napag-alamang kandidato na pala ito para sa good conduct and time allowance o GCTA at inaasahang makalalaya na sana.

Nagpaalala naman ang Iwahig sa publiko na sa oras na makita nila ang nakapugang PDL ay ‘wag itong lapitan, at sa halip ay kaagad itong i-report sa mga otoridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *