Arestado ang isang lalaki matapos umanong magbanta na papatayin ang isang sari-sari store owner na pinaghihinalaan niyang tsismosa.
Kwento ng biktima, nasa loob siya ng kanyang tindahan sa Barangay Putatan, Muntinlupa nang lapitan siya ng suspek at sinabing “tsismosa ka, papatayin kita”.
Agad namang nakahingi ng tulong ang biktima sa Putatan Police Substation dahilan para maaresto ang suspek.
Nasa kustodiya na ng Muntinlupa Police ang suspek na mahaharap sa mga kasong grave threats at unlawful possession of firearms and ammunition.