Lalaki, arestado matapos manaksak sa Macalelon, Quezon

Arestado ang isang lalaki matapos nitong saksakin ang 65-anyos na biktima sa Barangay Padre Herrera, Macalelon, Quezon nitong Biyernes, Mayo 3.

Ayon sa report, natutulog umano noon ang biktima sa kanyang Kubo nang pasukin ito ng suspek saka sinaksak gamit ang bolo.

Samantala, isinugod naman sa hospital ang biktima habang ang suspek ay naaresto ng mga awtoridad.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *