Lalaki aksidenteng nahawakan ang live wire habang nagpipintura ng signboard

Nakuryente ang isang lalaki kahapon nang aksidente umano nitong mahawakan ang isang high tension wire.

Base sa ulat ng Olongapo City Police Station 6, nangyari ang insidente habang nagpipintura ng sign board ng isang hotel ang lalaki sa Brgy. Barreto.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Ayon kay Station Commander PMaj. Melchor Catigday, nahulog pa ang biktimang si Marlon Cunanan mula sa palapag kung saan ito nagpipintura.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Isinugod sa ospital ang biktima at base umano sa kaanak nito ay ililipat ito sa pagamutan sa Pampanga.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Analyn Basa