Masayang ibinahagi nina cool smashers Alayssa Valdez at Tots Carlos na more than 50 percent na sila sa kanilang recovery.
Inamin ni Valdez na naka-focus siya sa kaniyang conditioning at nag e-ensayo na siya kasama ang kupunan at nag extra work pa. Habang sinabi naman ni Carlos na hindi niya minamadali ang kaniyang pagbabalik sa court. Giit pa niya na load and pain management ang importante sa ngayon.

Sinabi ng dalawang manlalaro na nagiging positibo sila sa kanilang pagbabalik lalo na’t malapit ng magsimula ang bagong PVL season sa Nobyembre.