Lalake sa Florida, himalang nabuhay matapos ang aksidenteng nagdulot ng pagkawala ng kalahati niyang ulo

HIMALANG maituturing ng isang lalake sa Miami, Florida na kinilala bilang si Carlos Rodriguez ang pagkakaligtas niya sa isang aksidente na nagdulot upang mawala ang kalahating parte ng kanyang ulo.

Nagsilbing  isang  malaking leksyon umano ito para kay Carlos dahil ang naturang aksidente ay bunsod din ng kanyang kapasawayan noong kabataan niya.

Sa kuwento ni Carlos, lasing at nasa impluwensiya siya ng droga nung mga araw nayun, ngunit pinilit parin niyang magmaneho, sa sobrang tulin ng kanyang pagpapatakbo,  hindi na niya namalayan ang mga sumunod na nangyare, hanggang sa tuluyan na siyang bumangga sa isang poste,  sa  sobrang lakas ng impact, lumusot siya sa windshield, kung saan unang bumagsak ang kanyang ulo.

Nang dalhin si Carlos sa Hospital maraming nang dugong nawala  mula sa kanyang ulo, kung kaya’t kinailangang tanggalin ng Doktor ang  kalahating parte ng bungo nito upang agad na masagip ang kanyang buhay.

Naging matagumpay naman ang naging operasyon ni Carlos, at itinuturing na nitong pangalawang buhay ang meron siya ngayon.

Totoo nga ang kasabihang kapag oras mo na, oras mo na, ngunit kapag hindi pa , asahang gagawin ng Diyos ang lahat para protektahan at maligtas ka.###CD