Lalake na hinihinalang may tama ng baril sa ulo natagpuang patay sa madamong lugar sa Paracale

CAMARINES NORTE- Patay na nang matagpuan ang isang lalake na hinihinalang may tama ng baril sa ulo mag aalas 8 ng umaga nitong Biyernes sa Purok 6, Barangay Bagumbayan, Paracale, Camarines Norte.

Kinilala ang biktima na si Reynan Valencia y Caballero 36 anyos, may kinakasama, minero at residente sa nabanggit na lugar.

Read More:  Once tagged among Negros’ poorest, Ilog bets on homegrown doctors, lawyers

Nakatanggap ng impormasyon ang Paracale Municipal Police Station mula sa isang kagawad ng Barangay na mayroon umanong natagpuang patay na lalake sa madamong bahagi ng nabanggit na lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon natagpuang nakahandusay at wala nang buhay ang biktima na nakausot  ng kulay asul na sando, berdeng shorts at naka face mask.

Read More:  2 dead, 2 injured after van crashes into two motorcycles in Cebu

Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang salarin.