Lakbay Alalay para sa Peñafrancia fiesta inilunsad ng DPWH

CAMARINES NORTE – Inilunsad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Lakbay Alalay Program para sa kapistahan ng patrona ng Bicol,  Nuestra Señora de Peñafracia sa Lungsod ng Naga.

Sa harap na rin ito ng inaasahang pagdagsa ng mga bisita mula sa iba’t-ibang lugar para magpahayag ng debosyon kay Ina.

Simula nitong Miyerkules, September 13 ay naglagay ng dalawang Motorist Assistance Center ang DPWH Camarines Norte sa tapat ng opisina nito sa bayan ng Daet at isa naman sa Barangay Bautista sa Labo.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Sa unang araw ng Lakbay Alalay ay daan-daang deboto mula sa Camarines Norte ang nagtungo sa Naga Metropolitan Cathedral para sa Misa Nobenaryo ng Diocese of Daet.

Ayon sa Daet District Engineering tatagal ang Lakbay Alalay program hanggang sa Lunes ng tanghali, September 18.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Mahigpit namang imomonitor ng roving teams mula sa Maintenance Division ng DPWH ang Daang Maharlika.

Naglagay ng mga tauhan ang DPWH sa mga motorist assistance center para magbigay ng assistance lalo na sa mga emergency situation.

Inaatasan ang mga itong magsuot ng blue polo shirt na may logo na may proper identification at kinakailangang mag maintain ng logbook.