NAGA CITY- Damang-dama sa Naga City ang lakas ng kakababaehan lalo na sa pagsisilbi sa publiko.
Ito ang ibinahagi sa Brigada News FM Naga ng ilang Kapitan. Ayon kay Tinago Punong Barangay Esting Bautista kung ano ang kaya ng mga lalaki kaya rin nila. Inspirasyon niya rito ang mga dating nagsilbi sa Naga tulad ni dating councilor Atty. Miles Raquid Arroyo na isa rin sa lumalaban para sa mga karapatan ng mga kababaihan. Gayundin si Atty. Leni Robredo na naging Congresswoman at Pangalawang Pangulo ng bansa pati ang bise alkalde ngayon na si Nene De Asis. Aniya kahit na may edad na rin ramdan niya ang respeto at tiwala sa kaniya ng mga kabarangay.
Si Tabuco Punong Barangay Esila Carmona naman , sinabing approachable ang mga babae, madalas makita sa Barangay Hall, nasusunod din aniya ang mga mandato ng Department of Interior and Local Government at mas magaan aniya o hindi kinatatakutan sa halip ay sinusubod at ginagalang.