Naitala sa Pilipinas ang 330 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para sumipa ang nationwide tally sa 3,676,991.
Kaugnay nito, bumaba ang active case count sa 42,835, mula sa 43,486 active cases noong Sabado.
Samantala, may 3,575,141 na kabuoang pasyente na nakarekober sa sakit, habang ang death toll ay umakyat sa 59,015.
Ang mga rehiyon naman na may mataas na bilang ng kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay ang NCR na may 1,801 infections, Region 4-A sa 735, at Region 6 sa 587.

Sa bagong datos naman, lumalabas na 24.64% mula sa 3,701 total intensive care unit (ICU) beds para sa COVID-19 patients nationwide ay ocupied.