Lady Gaga, ibinahagi ang karanasan mula sa kamay ng mapang-abusong producer

Isiniwalat ni Lady Gaga na nakaranas ito ng breakdown matapos nitong mabuntis dahil sa panghahalay sa kanya ng isang producer.

Sinabi ng American singer na 19-anyos pa lang siya noong nakaranas siya ng panghahalay mula sa kanyang music producer.

Nagbanta pa umano ang producer na susunugin nito ang kanyang mga kanta kung hindi ito magtatanggal ng damit.

Read More:  Gerald Anderson focused on building the life he wants for the future

Dagdag ni Lady Gaga, nang siya ay nagsusuka at may sakit na dahil sa pagdadalang tao, ay iniwan na lamang siya ng producer sa isang tabi.

Ipinunto ni Lady Gaga na pagkatapos ng maraming taon ay nagkaroon siya ng “total psychotic break” at nasa “ultra state of paranoia” bilang resulta ng naranasan niyang trauma.

Read More:  Gerald Anderson focused on building the life he wants for the future

Emosyonal na kinuwento ni Gaga, o Stefani Germanotta sa tunay na buhay, ang kanyang masalimuot na karanasan sa unang episode ng Apple TV+ series nina Oprah Winfrey at Prince Harry na pinamagatan bilang, The Me You Can’t See, na tumatalakay sa mental health issues.

Tumanggi naman ang 35-anyos na singer na kilalanin ang pangalan ng nasabing producer.