SORSOGON CITY – Nagpapatuloy sa kasalukuyan ang labor force survey na isinasagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA)-Sorsogon.
Sa pahayag ni PSA-Sorsogon head Elvira Apogñol, sinabi nito na ang nasabing survey ang pinagbabasehan ng tungkol sa unemployment at under employment rate.
Samantala, makakasabay din dito ang tungkol sa 2021 family income and expenditure survey, kung saan ito umano ang pamamaraan upang kalkulahin ang household accounts, dito rin makukuha ang poverty measurement, at levels of living ng populasyon.
May mga katanungan din dito hinggil sa expenditure at disbursement gayundin ang income ng isang pamilya.
Bukod pa rito, inaalam din sa nasabing survey ang hinggil sa food and alcoholic beverages upang malaman kung ilan at magkano ba sa mga ito ang kinukunsumo ng isang pamilya.
Ang nasabing labor force survey ay sinimulan na noong Hulyo 8 at inaasahan na magtatagal hanggang sa katapusan ng kasalukuynag buwan kung saan Tablet ang partikular na gadget na gagamitin sa pagkundukta nito.

