Labi ni Danica Pajate naihatid na sa huling hantungan

Bumuhos ang emosyon ng mga nakiramay kabilang ang mga kaklase at guro sa pag hatid ng labi ni Danica Pajate sa kanayng huling hantungan, nitong Abril 28, 2024.

Pinasalamatan naman ng panganay na kapatid na si Marydoll ang mga nagmalasakit, tumulong, sumuporta sa kanila hanggang mailibing ang kaniyang kapatid.

Hindi titigil ang pamilya sa pagkamit ng hustisya para kay Danica, kasabay ang panalangin na sanay tulungan silang makuha ang katarungan at mahuli ang may sala.

Samantala sa lumabas na resulta ng autopsiya mula forensic unit ay asphyxia by drowning o pagkalunod ang ikinamatay nito, ibig sabihin pumasok ang tubig sa kaniyang baga bago namatay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *