Cash at cellphone natangay sa isang bahay; suspek, sumubok pang nakawan ang kalapit na tindahan

Natangay ang ₱27K at 2 Cellphone mula sa tahanan nina Marlon Vivero sa Tres Wescom Rd. Brgy, San Pedro Puerto Princesa City kahapon ng madaling araw (April, 29) nang pasukin sila ng hindi pa nakikilalang lalaki.

Kwento ng biktima, tingin umano nila ay minamanmanan sila ng naturang suspek, dahil ilang minuto lang nang sila’y umakyat sa 2nd floor ng kanilang tahanan ay sya ring pagsalakay ng magnanakaw.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Sa kalapit na tindahan ay nagawa pa nitong bumili ng sigarilyo at sumubok pang pasukin din ang tindahan, ngunit bigo ito nang magising ang bantay nito kung saan agad itong tumakas sakay ng kanyang bisikleta.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Samantala, naipa-blotter narin umano ang salarin sa barangay gayundin sa PNP Police Station 1, at hanggang ngayon ay sinubukang hanapin ng pamilya ang suspek para panagutin sa kanyang ginawang krimen.