Labi ng binitay na Pilipino sa Saudi Arabia – hindi maiuuwi sa Pilipinas

Hindi na maiuuwi sa Pilipinas ang labi ng Pilipinong binitay noong Oktubre 5 sa Saudi Arabia alinsunod sa batas nito.

Mababatid na hinatulan ng bitay ang naturang Pilipino noong 2022 dahil sa pagpatay nito sa kaniyang kasusyo sa negosyo na isang Arabian national.

Read More:  Tinio says Marcos should not ‘wash his hands’ over reported ₱24-B leadership fund

Sinabi ng embahada na sinubukan ng gobyerno na humingi ng tawad sa pamilya ng biktima pero hindi ito pumayag.

Read More:  Orly Guteza recants suitcase allegations against Martin Romualdez

Samantala, sinabi ng embahada na sinusubukan din nilang iligtas ang siyam pang Pilipinong nasa death row.