Aminado ang PNP – Criminal Investigation and Detection Group na nahihirapan silang hanapin si dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque dahil sa bilis nitong paglipat tuwing malapit na siyang matunton ng mga pulis.
Mababatid na pinaaaresto ng Quad Committe ng Kamara si Roque matapos ma-cite in contempt noong Setyembre 12 dahil sa hindi niya pagsumite ng dokumento kaugnay ng imbestigasyon sa mga iligal na POGO sa bansa.
Pero pagtitiyak ng PNP na may mga matitibay na silang lead kung saan pwedeng mahanap si Roque.