Laban ni Jeremy Miado sa Thailand, magpapakita ng improvement

Naniniwala si Jeremy “The Jaguar” Miado na isang perpektong pagkakataon na maipakita niya ang kanyang improvement sa laban nito kay Lito Adiwang sa susunod na buwan.

Maghaharap sina Miado at Adiwang sa rematch sa ONE Fight Night 16: Haggerty vs. Andrade, na nakatakda sa Nobyembre 4 sa Lumpinee Boxing Stadium sa Bangkok, Thailand.

Kumpiyansa si Miado na ang rematch ay magpapakita ng kanyang improvement sa strawweight.

Umaasa ang Filipino fighter sa mga nakuha niyang training sa mga elite training partners sa Thailand noong nasa Marrok Force MMA pa siya.