Ronnie Alonte, dream role maging si Lastikman

Matagal nang pangarap ng isang aktor na si Ronnie Alonte na magampanan sa pelikula o serye ang Pinoy superhero na si Lastikman.

Read More:  Heart Evangelista calls out ‘plastic,’ ‘arrogant’ influencers

Umaasa si Ronnie na sana one of these days ay maisasakatuparan na ang kanyang dream role.

Ayon kay Ronnie, first year pa lamang nito sa Showbiz ay inihahayag na ito sa iba na gusto nga niyang pagbidahan ang role na Lastikman.

Read More:  Edward Barber is now engaged to non-showbiz partner

Aniya, lahat ng gumanap bilang Lastikman ay nasubaybayan nito mula Mark Bautista, Vic Sotto, hanggang kay Vhong Navarro.