Napilitang itinigil ang laban ng De La Salle-College of Saint Benilde at Jose Rizal University sa NCAA Season 98 nang sumugod si John Amores sa Heavy Bombers, at manapak ng ilang manlalaro ng Benilde nitong Martes sa FilOil Flying V Arena.

Nangyari ang insidente, mahigit tatlong minuto sa nalalabi ng laro, kung saan lamang ang Benilde sa 71-51, at 3:22 na lang ang nalalabi sa fourth quarter.
Kaugnay nito, salawang manlalaro ng Benilde ang nakita sa video na nahagip ng kamao ni Amores.
Dahil dito, nagpasya ang NCAA Management Committee na huwag nang ituloy ang laro, upang maiwasan umano ang lalo pang pataas ng tensyon at para sa kaligtasan ng mga manlalaro, coaches, at audience.
Magsasagawa naman ng imbestigasyon ang pamunuan ng liga upang patawan ng parusa ang mga sangkot sa gulo. (Mhel Pacia)