CAMARINES NORTE- Nananatili ngayon sa single digit ang bilang ng aktibong kaso ng COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte.
Batay sa datos ng Provincial Health Office hanggang nitong Lunes, November 7 na ibinahagi sa Brigada News FM Daet ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco siyam ang aktibong kaso ngayon ng sakit sa lalawigan.
Ang mga ito ay nagmula sa Labo na mayroong tatlo, dalawa sa Paracale at tig iisang kaso naman sa Basud, Daet, Mercedes at San Vicente.
Dahil dito umabot na sa 4, 426 ang naitalang kabuuang kaso ng COVID- 19 sa lalawigan simula noong 2020.
Pinakamarami ang naitala noong isang taon na nasa 3, 019 at noong 2020 ay mayroong 149.
Simula Enero naman hanggang November 7 nasa 1, 258 na ang naitalang kaso.
Aabot naman sa kabuuang 262 ang bilang ng mga nasawi dahil sa sakit.
Pinakamarami ang nasawi noong isang taon na nasa 218 habang siyam naman noong 2020.
Ngayong taon ay mayroong naitalang 35 binawian ng buhay.
Sa kabila ng mga naitalang kaso ay mataas naman ang recovery rate na nasa 93. 88 percent.
Umaabot sa kabuaang 4, 155 ang bilang ng mga gumaling simula 2020.
