La Nina phenomenon, pinaghahandaan na ng DSWD Region 2

Tiniyak ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan rehiyon Dos ang kanilang kahandaan sa sa mga food at non-food items na ipapamahagi sa mga maaapektuhan ng La Nina Phenomenon.

Ayon sa kagawaran,hanggang nitong Hunyo, umaabot na sa 50,271 ang family food packs at 18,677 na non-food items ang nakapwesto sa iba’t ibang LGUs, habang nasa 60,636 na family food packs at 13,506 na non-food items na naka-imbak sa mga bodega ng DSWD sa ibat ibang lalawigan sa rehiyon dos na handang idagdag kung sakaling kailangan ng mga LGUs.

Isa sa magandang istratehiya, aniya, nila ang pagtiyak na may suplay na sa mga LGU para hindi na mahirapan sa pagbababa ng mga ito sa panahon ng pangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *