City-owned buildings ng QC LGU, sinimulan nang gawing solar powered

Sinisimulan na ng Quezon City Government na gawing solar-powered ang mga gusaling pagmamay-ari ng lungsod.

Ito ay alinsunod sa environmental initiatives ng pamahalaang lungsod na mabawasan ang paggamit ng non-renewable energy.

Sa ngayon, tatlong gusali na sa Quezon City Hall ang solar-powered matapos makabitan ng halos 600 solar panels.

Ayon kay City Engineer Atty. Dale Perral, aabot sa P1.5 million ang matitipid sa kuryente ng QC kada taon na maaring magamit sa maintenance at rehabilitasyon ng Day Care at Health Center sa lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *