Ilog na dating pinapasyalan sa Manito, Albay, naging kulay tsokolate; caretaker at mga residente, nadismaya

LEGAZPI CITY – Nadismaya ang caretaker ng Dalipay River sa Brgy. Cawayan, bayan ng Manito, Albay matapos na maging kulay tsokolate o putik ang ilog na dating dinarayo dahil sa linaw at linis ng tubig nito.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Maria Llamera Mayores, sinabi niya na nakaapekto rito ang ginagawang kalsada sa bundok.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Aniya, sikat ang kanilang ilog doon dahil bukod sa pinapasyalan at pinagliliguan, dito rin naglalaba ang mga residente at humuhuli ng isda para may pang-ulam, subalit ngayon ay hindi na at wala na rin silang kita dahil wala na ring pumupunta roon.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Panawagan ni Mayores, sana ay matulungan sila na maibalik ang dating malinaw at malinis na tubig ng ilog dahil para rin naman ito sa lahat.