Anime-inspired na kasal – hinangaan ng marami

Kayo ba’y mahilig sa anime? Minsan ba’y nangarap din kayong mapasok sa anime world? ‘O ‘di kaya nama’y magsuot ng mga costumes na ginagamit ng paborito ninyong mga anime character?

Aba’y ibahin ninyo ang mag-asawang sina Elva Sarte at Gian Uygongco.

Para kasi sa kanilang kasal – pinili nila ang temang anime sa kanilang pagiisang-dibdib.

Bago pa man mangyari ang kanilang kasal, siniguro ng mag-asawa na mayroon silang well-excuted wedding concept.

Pinakita sa kanilang wedding reception ang kanilang napiling anime-inspired na pre-nup shoot at pre-wedding video, na nagtapos sa isang full-blast anime-inspired na love story.

Nagbihis si Elva at Gian bilang mga cosplayer para sa kanilang pre-nup shoot, at ang kanilang mga wedding giveaways ay mga anime-inspired din.

Noong Hunyo 12, 2024, ikinasal ang dalawa sa St. James the Great Parish sa Alabang, Muntinlupa. (Cha Armada – Brigada News Intern)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *