Bagong dengue vaccine, posibleng maaprobahan ngayong taon

Posibleng maaprobahan na ngayong taon ang second generation ng dengue vaccine sa Pilipinas.

Sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa, nag apply noong nakaraang taon sa Food and Drug Administration o FDA ang Japan-based pharma company na Takeda para sa Certificate of Product Registration o CPR ng dengue vaccine na Q-denga.

Karaniwan daw kasing tumatagal ng isang taon ang pag aarala na isinasagawa ng FDA sa mga dokumento na isinumite bago magpalabas ng CPR.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Maliban sa dengue vaccine, pinag aaralan din daw ng DOH ang Wolbachia program, o ang paglalagay ng bacteria sa female mosquito para hindi magka dengue.

Ginagamit na raw ito sa Indonesia, at plano ni Herbosa na magsagawa ng research nito dito sa Pilipinas.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Sa huli binigyang diin ng kalihim na hindi bakuna ang solusyon sa dengue season sa Pilipinas kundi vector control o ang pagpuksa sa mga lamok na nagdadala ng dengue.

Kaya ngayong tag-ulan, payo ni Herbosa na linisin ang mga lugar na pwedeng pamugaran ng mga lamok.