Vice President Sara Duterte, ‘no show’ sa budget briefing sa Kamara

Hindi sumipot si Vice President Sara Duterte sa budget briefing ng Office of the Vice President sa Kamara ngayong araw.

Isang oras na naghintay ang mga miyembro ng House Committee on Appropriations bilang “courtesy” sa pangalawang pangulo ngunit hindi ito dumating.

Ayon kay Senior Vice Chairperson Stella Quimbo, nagpadala ng liham ang OVP na nagsasaad na ipinauubaya na nito sa Kamara ang kahihinatnan ng panukalang budget ng tanggapan.

Read More:  DOH reports no Ebola cases in the Philippines

Iginiit ni VP Sara sa naturang sulat na naisumite na ng kanyang opisina sa House Committee on Appropriations ang lahat ng kinakailangang dokumento kasama na ang presentation ng proposed budget.

Maging ang mga isyung inilatag sa opening statement sa nakalipas na pagdinig ay nabigyang-diin na aniya.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Pero hindi nakasaad sa liham kung darating ang bise-presidente sa pagdinig.

Nadismaya naman ang mga miyembro ng Makabayan Bloc at tinawag na “bratinella to the max” si Vice President Duterte dahil marami sanang tanong patungkol sa nilalaman ng proposed budget kabilang ang napakalaking socioeconomic programs.