Distance allowance incentive para sa mga guro kabilang sa top priority bill ni Zambales 1st District Cong. Khonghun

Kabilang sa mga pangunahing panukalang batas ni Zambales 1st District Cong. Jay Khonghun ang Distance Allowance Incentive for Teachers.

Ito ay para sa mga guro na nadedestino sa malalayong lugar sa bansa.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Ayon kay Cong. Khonghun, dapat magkaroon ng allowance o insentibo ang mga gurong nadedestino sa ibang lugar na malayo sa kanilang bahay.

Ito ay para magsilbi bilang pamasahe o kaya ay pambayad sa renta ng tirahan para matulungan ang mga ito.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Isa umano ito sa nakikita niyang kakulangan ngayon at umaasang kapag naisabatas ang panukala ay makakatulong ito sa lahat ng mga guro para hindi na mabawasan pa ang sinasahod pambayad sa inuupahang bahay.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO