Kristel Fulgar, naging emosyonal sa pagkakatanggal bilang host

Usap-usapan ngayon sa social media ang pag-iyak ni Kristel Fulgar matapos hindi matuloy ang pagho-host nito sa Manila fan meeting ng Korean actor na si Seo In-Guk.

Ayon sa aktres, sinabihan siya ng Korean technical director mula sa HY Official na papalitan siya sa kanyang trabaho dahil kulang raw ito sa energy.

Read More:  Cristine Reyes, Gio Tingson are Engaged

Inamin naman ni Kristel na hindi niya ibinigay ang 100% niya kapag nasa rehearsal at nang humingi ito ng second chance, hindi na siya pinagbigyan.

Read More:  Alex Gonzaga, Mikee Morada announce pregnancy

Kasunod ng explanation ng aktres, inulan naman ng batikos ang pumalit host na si Karen Bordador na agad naman dinepensahan ang sarili at sinabing “baseless” ang mga akusasyon sa kanya ng mga bashers.