Krishnah Gravidez ng Baguio City kinoronahan bilang Miss World Philippines 2024

Kinoronahan na si Krishnah Gravides ng Baguio City bilang Miss World Philippines 2024 na ginanap sa SM Mall of Asia Arena.

Ipinakita ni Krishnah ang kaniyang kagandahan at kahusayan na nagpabilib sa mga hurado at mga manonood.

Read More:  Gerald Anderson focused on building the life he wants for the future

Bukod sa pangunahing korona bilang Miss World, hindi rin siya nagpahuli sa pag angkin ng iba pang mga parangal. Isa na rito ang ‘Best in Evening Gown” at “Best in Swimsuit”.

Dagdag pa rito, siya rin ay napili bilang Miss Skin by Cathy Valencia, Miss Photogenic, Miss Hello Glow, Miss Procap, at Miss Dr. Leo awards.

Read More:  Gerald Anderson focused on building the life he wants for the future

Kasabay ng kaniyang parangal, itinanghal din ang iba pang mga kandidata na si  Dia Mate ng Cavite bilang Reina Hispanoamericana Filipina, Nikki Buenafe (Pangasinan) na Miss Multinational Philippines,Patricia Bianca Tapia (Batangas) bilang Miss Tourism Philippines at ang Face of Beauty na si Jeanne Isabelle Bilasano ng Bicol Region.