Elreen Ando, umaasa na magbunga ang mga sakripisyo sa paglahok sa Paris 2024 Olympics

Inasahan ng Pilipinas si Elreen Ando na weightlifter na tinuturing na pag-asa ng bansa para mag uwi ng medalya sa 2024 Paris Olympics Games.

Matapos niyang magwagi ng gintong medalya sa 2023 Southeast Asian Games, matapos niya paltan si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz.

Pinakita din ni Ando noong nakaraang IWF World cup ang kanyang kakayahan sa pag-angat ng 228kg total na nagbigay-daan sa kanya na makuha ang puwesto para sa Paris.

Sa kabila ng mga tagumpay, hindi na nagawang umuwi ni Ando sa death anniversary ng kanyang mga magulang dahil sa pagpupursige sa kanyang training.

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, handa si Ando na harapin ang mga hamon sa Paris Olympics. Kasama niya sa kanyang paghahanda sina Vanessa Sarno at John Ceniza sa Metz, France para sa combined training camp ng Pilipinas, kung saan magsisimula ang kanilang kampanya sa August 7. (BRIGADA NEWS INTERN KHEN ALIX)