Sisilipin na ng Supreme Court ang mga alegasyon na ang ilang indibidwal na nasa likod ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hubs ay posibleng may impluwensya na sa court system ng bansa.
Ito ay matapos sabihin ni Senador Sherwin Gatchalian na ang raid sa POGO hub sa Pampanga ay nagpapakita ng posibleng ugnayan ng mga sindikatong Chinese sa judiciary.
Ayon kay High Court spokesperson Atty. Camille Ting, iimbestigahan na ang isyung ito ng Korte Suprema.
Ani Gatchalian, kutob niyang hindi lang sa enforcement agency mayroon nito, dahil maging sa judiciary ay mayroon nang mga taong may impluwensya sa POGO.
Kung mapapansin daw kasi – ang mga bagong warrant of arrest ay mula sa Bulacan courts.
Sa huli, iginiit ng mambabatas na baka natunugan ng mga kriminal na sa kaparehong area magkakaroon ng operasyon, at nagkaroon sila ng mga mata at tenga mula sa korte.