Korte in-acquit ang kasong illegal possession of firearms and explosives ng self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa

Inabswelto na kaninang umaga ng Manila Regional Trial Court Branch 16 ang isinampang kasong illegal possession of firearms and explosives kay self-confessed drug dealer, Kerwin Espinosa.

Ito ay matapos ang kakulangan sa ebidensya ng prosekyusyon upang mapatunayang guilty si Espinosa sa paglabag sa RA 9516 at RA 10591.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Ayon sa Manila RTC, nagbase rin ang naging desisyon sa sinabing pahayag ng testigong si Marcelo Adorco.

Kung saan binigyang-diin nitong hindi si Kerwin ang nagmamay-ari ng mga baril kundi ang tatay nito.

Kung maalala, naging madugo ang naganap na pagre-raid sa compound ng pamilyang Espinosa sa Sitio Tinago, Barangay Binulho, Albuera, Leyte noong 2016 na kinamatay naman ng anim sa mga gwardiya ng mga ito.

Read More:  US Secretary Marco Rubio meets Marcos in Manila

Samantala, sa kabila ng kanyang pagka-abswelto ay hindi pa rin ito tuluyang makakalaya dahil sa apat na kaso pa nitong kinahaharap tungkol sa droga at money laundering.