Dalawang dosenang mga pulis – nagpositibo sa confirmatory drug test

Nasa dalawampu’t apat na pulis ang nagpositibo sa confirmatory drug test mula buwan ng Enero ngayong taon.

Sa pulong balitaan sa Kampo Crame, sinabi ni Police BGen Constancio Chinayog, Hepe ng PNP Forensic Group, mula sa 115, 983 na mga pulis na isinailalaim sa drug test, 24 rito ang pumasa sa initial drug test at 24 din ang pumasa sa confirmatory drug test.

Read More:  PCG drives away Chinese vessel, 22 fishing boats near Kota Island

Kabilang sa mga nagpositibo sa confirmatory drug test ang dating hepe ng Mandaluyong City Police.

Read More:  60 fatalities in MV June Aster fire identified; 11 others still being identified — PCG

Sabi ni Chinayog, .02 percent lamang ang katumbas nito, kung titingnan ang numero ng dami ng PNP Personnel sa buong bansa.

Gayunpaman, sinabi ng opisyal na nagbabadya silang masibak sa pwesto ang 24 na pulis na nahaharap ngayon sa kasong administratibo.