Koronadal, may clustering of cases na ng dengue!

KORONADAL CITY – NAGTALA na ang lungsod ng Koronadal ng mga clustering of cases ng dengue ngayong panahon. Ito ang inihayag ni Dr. Vincent Ende, City Health Officer ng Koronadal sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kung saan mahigpit ngayon na tinututukan ng health department ang sitwasyong ito. Ayon kay Ende, kabilang sa mga barangay na nagtala ng clustering cases ay ang Carpenter Hill, GPS, Paraiso, San Jose, Sta. Cruz, Sto. Nino, Zone 2, 3, 4 at Topland.

Inihayag ni Ende, na ang ilan sa mga dahilan ng pagdami ng kaso ay ang hindi malinis na paligid ng mga tahanan sa lungsod.

Hindi rin binabalewala ni Ende, na posible dahil sa daming ginagawa ng mga tao, hindi na ng mga ito naaatupag ang kanilang gawain sa kani-kanilang mga tahanan.

Ito ang mga tinukoy na dahilan ng opisyal kabilang naman ang init ng panahon ngayong mga buwan. Dagdag ni Ende, pagtibayin ang immune system ngayong panahon upang hindi maranasan ang masamang epekto ng dengue sa katawan ng tao.

Samantala, ipinapaibayo pa ng mga ito ang kanilang operasyon sa Information Education Campaign o IEC upang maturuan ang publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *