Koronadal CHO sa publiko: ‘Wag magpanic sa delta variant


KORONADAL CITY — HUWAG magpanic. Ito ngayon ang panawagan ni Dr. Edito Vego, city health officer ng Koronadal matapos nakumperma ang pinaka-unang kaso ng delta variant ng Covid-19 sa lungsod.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Vego, sinabi nito na hindi panic ang solusyon sa kinakaharap na problema. Sa halip, kailangan lamang umanong maging kalmado upang makapag-isip ng mabuti sa kung anong mga dapat gawin upang hindi mahawa sa mas kinakatakutan at mas nakakahawang delta variant.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Sinabi ni Vego na ipagpatuloy lamang ang pagsunod sa mga minimum health protocols at kung maaari taasan ang “level of prevention” upang mapigilan ang pagkalat ng Covid-19.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Hinihiling din nito sa publiko na kung maaari, manatili sa bahay kung walang importanteng lakad.

Una rito, isang 24-anyos na empleyado ang nag-positibo sa delta variant sa Koronadal ngunit wala itong history of travel sa mga lugar na nakapag-tala ng nabanggit na variant.