Korean IT firm, planong makipag-partner sa So.Cot sa pagpapaunlad ng IT education

KORONADAL CITY- NAKIPAGPULONG kay South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr kamakailan lamang ang Korean (Information Technology) IT firm na Metavity Korea kung saan ipinakilala ng mga ito ang kanilang kompanya at mga serbisyo para sa potential partnership sa larangan ng IT education.

Inihayag ni Metaverse Global at Metavity Director Jihye Jeong na ang kanilang kompanya ay may mission na mapaunlad pa ang IT skills ng mga estudyante.

Read More:  Nearly entire church ceiling collapses in Maguindanao del Norte

Ang Metavity ay nagbibigay ng certification courses sa mga estudyante na maaaring ma-access anumang oras at kahit saan.

Ang naturang mga klase ay suportado din ng Samsung companies at kinikilala ng Korean, Vietnamese at Philippine government.

Read More:  Army recovers firearm, IED after clash in Northern Samar

Nagbukas din ang nasabing pagpupulong ng prospective linkages sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Commission on Higher (CHED) upang pag-aralan kung maaari ba itong ipatupad sa kasalukuyang educational system ng bansa.