Kontrobersyal na PWD ramp sa QC, lalagyan umano ng wheelchair lift ng MMDA

Pinuna ni Senate Committee on Public Services, Chairperson, Senador Raffy Tulfo sa naging pagdinig ang kontrobersyal na rampa sa Philam Station ng EDSA Bus Carrousel sa Quezon City.

Ayon kay Tulfo, sa kanyang palagay, tila pati mga bata ay mahihirapan sa pagdaan sa matirik na rampang ito kaya agad nitong kinwestyon si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Romando Artes kung anong nangyari rito.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Bilang tugon, sinabi ni Artes na sa loob ng limang istasyon na kanilang niligyan ng manlifts, tanging dito lang sila nagkaproblema dahil sa space at height restrictions.

Kasunod nito, tiniyak naman ni Artes na naayos na nila ang slope rito na malayang mapapakinabangan ng mga commuters na buntis, may heart condition o may kapansanan pero walang wheelchair.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Samamtala, ibinahagi rin niya kay Tulfo na maglalagay sila rito ng wheelchair lift para sa mga person’s with disability (PWDs) at maging taong mag-aassist dito.

Maliban pa roon, ibinalita ni Artes na maglalagay sila ng karagdagang features tulad ng handrail para sa istasyong ito.