DA, umapela sa traders ng sibuyas na ilabas at ibenta na ang mga nakaimbak sa cold storage

Nanawagan ang Department of Agriculture (DA) sa mga traders ng pulang sibuyas na makipag-cooperate para matiyak na sapat ang suplay nito sa merkado.

Ginawa ni DA deputy spokesperson Rex Estoperez ang panawagan sa gitna ng pagtaas sa presyo ng red onion sa mga pamilihan.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Ayon kay Estoperez, nakikiuusap sila sa mga farmers at traders ng sibuyas na kung mayroon pa raw silang natatagong suplay nito sa kani-kanilang mga cold storages, sana raw ay mailabas na ito sa merkado.

Pamasko na raw nila ito sa na sa pamahalaan at sa mga mamimiling Pilipino na higit na nahihirapan dahil sa mahal na presyo ng sibuyas.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Bago ito, una nang sinabi ni Estoperez na hindi nila isinasantabi ang posibilidad na mag-import na rin ng sibuyas para mapababa ang P300 per kilo na presyo sa mga palengke.
#