Ililibre ng lokal na pamahalaan ng Botolan ang konsultasyon sa mga alagang hayop sa Municipal Veterinary Office.
Ito ay para hindi na gumastos pa ng malaki sa vet services ang mga residente at masagip ang buhay ng mga alagang hayop.
Ang mga serbisyo din gaya ng anti-rabies vaccination o viral disease diagnostic ng mga alagang hayop ay libre para sa mga residente ng Botolan.
Samantala, first come, first serve ang serbisyo mula Lunes hanggang biyernes ng alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.//Russell Banawa-BNFM IBA
