Kahalagahan ng pagkakaroon ng online payment sa mga nag bebenta sa palengke, binigyang- diin ng DTI

π—žπ—”π—›π—”π—Ÿπ—”π—šπ—”π—›π—”π—‘ π—‘π—š π—£π—”π—šπ—žπ—”π—žπ—”π—₯𝗒𝗒𝗑 π—‘π—š π—’π—‘π—Ÿπ—œπ—‘π—˜ π—£π—”π—¬π— π—˜π—‘π—§ 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π—‘π—”π—šπ—•π—˜π—•π—˜π—‘π—§π—” 𝗦𝗔 π—£π—”π—Ÿπ—˜π—‘π—šπ—žπ—˜, π—•π—œπ—‘π—œπ—šπ—¬π—”π—‘π—š-π——π—œπ—œπ—‘ π—‘π—š π——π—§π—œ Binigyang-diin ng Department of Trade and Industry – Isabela ang kahalagahan ng pagkakaroon ng digital cash payment ng mga tindero at tindera sa palengke.

Ito ay matapos ang isinagawang onboarding session ng DTI na pinangunahan ni TIDS Mel Mari Angelo Laciste at nilahukan ng halos 50 na nagbebenta sa Santiago City Public Market.

Ipinaliwanag sa nasabing session ang benepisyo ng pag-adopt ng mga vendors sa digital o online payment kabilang na ang pagpapataas ng benta at seguridad laban sa pekeng pera.

Kabilang naman sa ibinahaging problema ng mga vendors sa oras na sundin ang cashless program ay ang mahinang internet connectivity at karagdagan pang pagsasanay sa mga nagbebenta lalo na ang mga hindi pa kabisado ang paggamit nito.

Dahil dito, ipinakilala ni Laciste ang PalengQr Program na planong isagawa ang implementasyon sa palengke ng Santiago.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *