2 katao, huli sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa kasong may kinalaman sa ilegal na pagsusugal

LEGAZAPI CITY – Sunod-sunod ngayon ang operasyon ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa lalawigan ng Albay sa paghuhuli ng mga lumalahok sa ilegal na pagsusugal.

Kahapon, dalawang katao muli ang inaresto sa kasong may kinalaman sa ilegal na pagsusugal, kung saan, unang nahuli sa Centro Oriental, Polangui, Albay si alyas “James”, 30-anyos, binata at residente ng Brgy.Ubaliw ng nasabing bayan.

Ayon sa report ng pulisya, nagsagawa ng entrapment operation ang Polangui MPS kasabay ang 1st PMFC, PIU, at iba pang mga yunit sa nasabing lugar.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Naaktuhan ang suspek na nangongolekta ng taya sa mga mananaya na naging dahilan ng kanyang pagkakahuli.

Narekober sa kanya ang dalawang pirasong papelitos, dalawang ballpen at pera.

Samantala, nahuli rin ang isang binata sa P-2, Brgy. 28 – Victory Village, lunsod ng Legazpi sa kaparehong kaso.

Kinilala ang suspek na si alyas “Jaime”, 32-anyos residente ng Mindoro City ngunit pansamantalang naninirahan sa nasabing barangay.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Ayon din sa report, nagsagawa rin ng anti-criminality operation ang mga otoridad na nagresulta naman sa pagkakahuli sa nasabing suspek.

Naaktuhan na nangongolekta rin iyo ng taya sa mga mananaya, kung saan narekober sa kanya ang pad paper, collection report at iba pa.

Sa ngayon, ang mga nahuling mga suspek ay nasa kustodiya na Polangui MPS at Legazpi CPS para sa kaukulang disposisyon.