Rank 1 sa Unit Performance Evaluation Rating, magkasunod na nakuha ng IPPO

Tinanghal na Rank #1 ang Isabela Police Provincial Office na pinamumunuan ni PCol Lee Allen B. Bauding, Provincial Director sa PRO2 Unit Performance Evaluation Rating (UPER) sa buwan ng Pebrero at Marso.

Namayagpag ang IPPO sa UPER , ang sistema ng PNP upang sukatin ang husay at epektibong serbisyo ng bawat PNP Units base sa Administrative at Operational accomplishments kung saan nanguna ang Isabela PPO kumpara sa ibang Police Provincial Office ng buong Rehiyon 2 na kinabibilangan ng Cagayan, Quirino, Nueva Viscaya, Santiago at Batanes PPO.

Nagsisilbing inspirasyon ng mga kapulisan sa Isabela ang mga natatanggap na pagkilala upang mas lalong pagbutihin ang kanilang pagsislbi sa taong bayan.

Pinasalamatan at hinangaan ni PD Bauding ang kaniyang mga tauhan sa magkasunod na parangal na kanilang nakamit kasabay ng pagbibigay paalala sa lahat ng kapulisan sa Isabela na manaig ang pagpapakumbaba , respeto, pagmamahal sa Diyos, sa kapwa at sa pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *