Konsepto ng pagtatayo ng crab lying-in, nabuo dahil sa Kasag Festival

Inihayag ni Poblacion Castilla Barangay Chairman Alex Sotto na ang konsepto ng pagtatayo nila ng crab lying-in ay nabuo matapos ang pagkakaroon nila ng Kasag Festival.

Ayon sa opisyal, dahil mayroon silang Kasag Festival na ipinagdiriwang kung kaya nag-isip umano sila ng mga pamamaraan kung paano mapoprotektahan ang produksyon ng mga alimasag sa kanilang lugar at ito nga ay ang pagtatayo ng crab lying-in. 

Aniya, sa nasabing pasilidad kasi umano nila pinapaanak ang mga buntis na alimasag na kanilang binibili at kanila ding pinapakawalan matapos itong mangitlog.

Bumuo din sila ng Barangay Ordinance tungkol sa pagbili ng buntis na alimasag mula sa mga nakakahuli nito sa mas mataas na presyo.

Sa ganitong paraan aniya ay nasisiguro nilang magpapatuloy ang produksyon at pagdami ng mga alimasag sa kanilang lugar. Mababatid na ang operasyon ng nasabing crab lying-in ay nagsimula noon pang 2019 kung saan taon- taon itong pinaglalaanan ng barangay ng pondo para sa pagbili ng mga buntis na alimasag.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *