Konseho sa Naga City nagpaliwanag hinggil sa pagbaba ng budget sa 2023

NAGA CITY – Huwag magagalit o maghinanakit ang sinumang Department Head sa mga opisina sa City hall sa Naga City kung bawas ang kani-kanilang mga budget para sa taong 2023.

Ito ang panawagan at paalala ng ilang konsehal, kasabay sa pagpapaliwanag nila sa dahilan ng pagbabawas sa budget ng mga ito.

Sa paliwanag sa media at sa Brigada News FM Naga ni City Councilor Salvador del Catillo, Chairman ng Committee on Ways and Means, sinabi nito na bumaba ng halos P150 million ang National Allocation Tax ng lungsod.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Anya’y lahat ng mga local na pamahalaan sa buong bansa ay ganito ang nangyari, sabi pa ni del Castillo.

Binigyang-diin niya na dapat iyong mga pangunahing pangangailangan ng bawat opisina ang i-prayoridad tulad ng kuryente, gasolina, tubig pati na rin ang iba pang mga gamit sa mga opisina na kailangan araw-araw.

Read More:  Iloilo barangay councilor nabbed in buy-bust, ₱2.24M worth of shabu seized

Bawasan muna anya ang mga training ng mga opisina at pagbili ng kung ano-anong mga sasakyan, sabi pa ng konsehal.

Ang may pinakamataas na budget na opisina o departamento ay ang City Health Office at ang pinakamababa naman ay ang programa sa Housing Development program.   

Ang proposed annual budget ng lungsod para sa taong 2023 ay mahigit P1.5 billion, ngayong taong 2022 ay nagkaroon ng P1.6 billion.