Konsehal Jerry Abuyo pormal ng nanumpa bilang bagong Bise alkalde ng bayan ng Talisay

CAMARINES NORTE – Pormal ng nanumpa bilang bagong Bise Alkalde ng bayan ng Talisay si Konsehal Jerry Abuyo bilang papalit sa naiwang posisyon ng namayapang si Vice Mayor Ronnie Magana

Kahapon sa ganap na ala 10 ng umaga, pormal ng nanumpa sa harap ni Gobernador Edgardo Tallado, Mayor Donovan Mancenido at ng DILG ang bagong bise alkalde

Ayon kay Mayor Mancenido, buo ang kanyang magiging suporta kay Abuyo bilang syang mamumuno sa Sangguniang Bayan at bilang kanyang katuwang sa bayan ng Talisay

Hiling naman ng Alkalde na sa pamamagitan ng pagtutulungan nilang dalawa at ng mga miyembro ng Sangguniang bayan ay maisasakatuparan ang lahat ng kanilang Executive-Legislative Agenda para sa ikauunlad ng Bayan

Hiningi din nito ang suporta ng mga Talisaynon para sa mabunga at matiwasay na serbisyo ng ngayo’y bagong Bise alkalde ng kanilang bayan

Samantala, hinihintay ngayon ng Brigada news Fm Daet ang pagaanunsyo ng bagong miyembro ng Sangguniang bayan ng Talisay bilang kapalit ni Abuyo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *